Mga Bersyon ng Paggunaw

(Unang nalimbag ang akdang ito sa isyu 21 ng Philippine Collegian noong 10 Enero 2011.)

Tatapat sa Biyernes ang ika-21 ng Disyembre ngayong taon. Naniniwala ka man o hindi na ito ang petsa ng katapusan ng mundo, marahil buong pananabik mo pa ring sasalubungin ang bukang-liwayway sa araw na ito. Hindi na bago sa kasaysayan ng tao ang mga ganitong prediksyon. At sa patuloy na pagbabagong-bihis ng sibilisasyon at lipunan, nag-iiba rin ang mga hinuha ukol sa pagkalipol ng sangkatauhan.●

Dibuho ni Ysa Calinawan

Dreading Doomsday

by Glenn Diaz

Whether it’s a rogue, uncontrollable virus that wipes out the human race or a robot prototype that gains consciousness and mounts a rebellion against their human masters, technology often enters our consciousness when we imagine the end of the world. Even the once very real threat of a nuclear apocalypse, while also ideological, is at its core a technological occasion, the result of a chilling arms race that could have easily obliterated a vast majority of the human population.

In hindsight, it seems natural for technology, as the hallmark of human civilization, to be invoked when we talk about its demise. Technology is intertwined with mankind’s history: from the quaint stone tools used in hunter-gatherer societies to the steam engine that ushered in industrialization, from the Sony Walkman that heralded individual alienation to the touch-screen technology that supposedly supplants a real human caress.

These shifts in definitive technologies echo shifts in human thought and relationships in society – from primitive communalism to feudalism, from capitalism to its advanced, multifarious definitions – indicative of how technology shapes history and, to a certain extent, vice versa.

And so when a society is deemed “advanced,” what is often implied is that that it has made leaps in the way it is able to harness nature to suit its needs. Human agency is key in the way we imagine the future (or non-future) of the human race, and unbridled excess and wanton insatiability – both in conceiving new inventions and harnessing resources – always spell disaster.

The portrayal of technology in apocalyptic scenarios therefore highlights its double-edged quality: that it can nurture but also annihilate. And since we are at a point in human history when advancements in science is fastest and most pronounced, the imperative of caution is also loudest.

Unfortunately, technology is also a very profitable venture. The biggest firms today – from Facebook to Apple, from pharmaceuticals to energy companies – all partake in the hefty technological pie. As a result, what was once a hallmark of the greatness of the human imagination has been transformed into a commodity. What was once a showcase of the great human spirit is today just another manifestation of an entrenched inequality as some can afford it more than others.

Excess, then, exists beyond the normal doomsayers’ sounding board of environmental degradation and religious fanaticism. Even technology, with its imaginative zeal and purportedly apolitical rendering, is susceptible to the most basic of human natures: greed, and it is a tendency that could very well take us to the end of the world as we know it.

We need not look into the future. In 1986, a nuclear accident in a Ukraine facility in Chernobyl released fatal radioactive material that affected almost the whole of Europe. Just last year, what is now called the Great East Japan Earthquake caused a number of nuclear accidents, including meltdowns in its Fukushima complex, near which hundreds of thousands were evacuated.

When we speak of 2012 then, the threat seems to come not from an ancient calendar or from malevolent robots from outer space; not from a wayward asteroid or a new strain of bacteria that is resistant to all known antibiotics. The threat comes from here and now, in the way technology is used or, more often than not, misused.●


ni Mary Joy T. Capistrano

Halos limasin ng bagyong Sendong ang buong lungsod ng Cagayan de Oro. Karamihan sa mga kabahayan, kung hindi nawasak ay nalubog naman sa baha. Wasak at kung saan-saan matatagpuan ang mga sasakyan at mga puno.

Ang patong-patong na bangkay ng mga biktima ang pinakakalunos-lunos na larawan sa lahat. Trak-trak kung ang mga ito’y hakutin at hindi na makilala pa ang ilan dahil sa pagkakalubog sa putik.

Kung malala nang maituturing para sa mga Pilipino ang mga ganitong pangyayari, wala pa sa isang kapat nito ang nangyaring lindol sa Haiti kung saan tinatayang 100,000 ang bilang ng mga binawian ng buhay.

Sa halip na bigyan ng malalim na suri at solusyon ang mga samu’t saring kalamidad na nagaganap sa iba’t ibang mga bansa, iniuugnay ito sa mitolohiya ng katapusan ng mundo ngayong 2012. Dulot nito, binabaling ng mga tao ang sisi sa nasabing phenomenon na nakatakdang mangyari sa halip na sa kani-kanilang mga sarili.

Katulad na lamang ng bagyong Sendong na resulta ng ilegal na pamumutol ng puno sa kagubatan. Ayon nga sa mga ulat, pangkaraniwang ulan lamang ang dala ng Sendong ngunit dahil walang punong susuporta sa lupa bumigay ito at nagkaroon ng “flash flood” na naging sanhi ng pagkamatay ng maraming tao. Idagdag pa dito ang mga minahan sa kabundukan na lalo pang nagdulot ng panghihina ng lupa.

Samakatuwid, tao rin ang dahilan ng mga kalamidad, lalo na ang walang habas na pag-extract ng mga likas na yaman at hindi sustainable na operasyon ng mga naglalakihang kumpanya.

Nais marahil paniwalaan ng tao na hindi siya ang sanhi ng mga nangyayaring sakuna. Sa halip, masarap isipin na isa lamang itong natural at nakatakdang pangyayari ayon sa kapalaran ng mundo.

At upang higit na maligtas sa sisi, nagpapatupad ng mga alternatibong paraan para sa lumalalang krisis ng kalikasan ang mga kumpanya na may layuning pangalagaan umano ang kalikasan.

Katulad na lamang ng Kyoto Protocol, isang pandaigdigang kasunduan ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) kung saan napagkasunduang magbabawas ng paggamit ng greenhouse gases ang mga industriyalisadong bansa. Hindi ito sinang-ayunan ng Estados Unidos dahil malilimitahan nito ang pagpapatakbo ng kanilang mga industriya. Sa halip, naghain sila ng solusyon upang pangalagaan ang kalikasan sa paraang nakabatay sa teknolohiya ng kanilang mga industriya.

Bagamat marami nang naihaing mga solusyon, sunod-sunod pa rin ang mga kalamidad. Ayon kay Naomi Klein, isang manunulat, pinagkakakitaan din ng mga kapitalista ang mga kalamidad at tinatawag niya itong “disaster capitalism” o ang pagsasamantala sa panahon ng krisis.

Sa sunod-sunod na pagdating ng mga kalamidad, sa halip na paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan, lalo pang ikinukubli ng mito ng katapusan ng mundo ang mga sakunang tao rin naman ang may likha.●

Waiting for the End

by Toni Antiporda

“But of that day and hour no one knows, not even the angels of heaven, nor the Son, but the Father alone.” – Matthew 24:36

We’re always thinking about the end.

Our little lives are yet to begin, but we already find ourselves pondering about death and about the various ways that we as a humanity could go. Without the knowledge of how it all ends, our little lives are rendered devoid of purpose, bereft of meaning.

We’re so preoccupied with the end that we even have developed it into a discipline: eschatology, that study of the final events of history and the ultimate destiny of humanity. It concerns the four last things: death, judgment, heaven and hell. Religion plays with this precarious urge to know how it ends, by treating heaven as a commodity to sell and hell as an immediate threat.

For thousands of years, even before the Mayan calendar has been a part of our consciousness, religious sacred texts and folklore have prophesied about the end of days, filling the minds of the faithful with images of worldwide famine, ground-shattering tremors and rivers of fire surfacing on the earth, all serving as mere precursors to the coming of a great Messiah.

Contemporary apocalyptic imagination rests heavily on the idea of destruction and pandemonium. Beyond the overt imagery of devastation and chaos fed by the mass media, religious leaders themselves further the confusion of their flock, with factions still existing even among the faithful. Via their fervent speeches on the pulpit, citing current world and regional wars, natural disasters and famine as signs of the end, they instill unwarranted fear in the hearts of believers.

As our history shows, nothing pushes people more into blind obedience than fear. In truth, Christianity has been introduced into our country by way of fear. Spanish conquistadors and friars easily instilled unquestioning subservience to our newly Christianized ancestors by constantly bringing up images of a fiery hell and inciting eternal damnation on their minds.

After 400 years, the same tactics remain. Modern charismatic televangelists mesh natural and man-made incidents with biblical posturings to paint a truth of the prophecies slowly materializing. Their constant call to seek for salvation, repentance and forgiveness often entails, if not a steady stream of donation to the local parish, constant policing of the flock.

Religious violence still has its roots in apocalyptic imagination and theology. Prevailing images of warring nations and a crumbling earth all but makes us fear the apocalypse. But, if Scripture is still to be believed, Revelation 21 tells us that we’ll see “a new heaven and a new earth,” for the first heaven and the first earth would pass away. At its core, the apocalypse is really about new creation, transformation, and change – an old world paving the way for a new kingdom.

If the apocalypse could be seen in this light, not only would it quell our fears, but it would also demystify our religious institutions and deflate our very human arrogance.

Perhaps we’ll never cease on thinking about the end. Even after 2012, there would be another set of dates marking the supposed end of the world. We still look to it with uncertainty. For it is possible that there is no salvation and no damnation in the end. Just a void, and nothingness.●

The day after tomorrow

ni Katherine Elona

Isang posibleng scenario sa paggunaw ng daigdig: yayanig ang lupa at manginginig ang dagat. Gagambalain ng lindol ang Pilipinas at dadaluhong ang mga delubyo sa iba’t ibang bahagi ng globo. At sa isang hudyat, tuluyang guguho ang buong mundo. Ngunit ika nga ni Britney Spears, maaaring salubungin ang napipintong katapusang ito ng sayawan at pagdiriwang.

Usap-usapan ang nakatakdang pagpawi ng sangkatauhan sa Disyembre 21, 2012 batay sa Mayan calendar, kaya umaawit tungkol sa magdamagang party sa pagtatapos ng mundo maging si Jay Sean at Nicki Minaj. At bukod sa mga kanta, laksa-laksang pelikula rin ang may kanya-kanyang interpretasyon sa kung paano darating ang inaasahang pagwawakas.

Marami nang teorya ukol sa kung kailan nga ba tuluyang magugunaw ang lahat. At lagi’t lagi, sinasakyan ito ng popular na kultura at nagsisilabasan ang mga produktong awit, pelikula at iba pa na patungkol dito ang nilalaman.

Haka-haka dati ang pagguho ng mundo sa taong 2000, at nagsulat ng party song ukol dito si Prince, ang “1999.” At nang dineklara ng pastor na si Harold Camping na magtatapos ang mundo sa Oktubre 21, 2001, dumami ng 634 porsyento ang digital sales ang awitin ng R.E.M. na “It’s The End of the World As We Know It” ayon sa Billboard Charts.

Bukod sa mga nabanggit na awitin na pawang pagyakap sa mga huling sandali ang tema, may mga kanta ring naisulat ukol naman sa kalungkutan ng paglaho ng lahat. Halimbawa rito ang The End ng The Doors at The Day the World Went Away ng Nine Inch Nails. Mababatid dito ang polaridad sa tema ng mga awitin—ang labis na pagsasaya at ang pagiging maselan ng damdamin ng tao sa kabilang banda.

Nagdagsaan din ang mga pelikula tungkol sa iba’t ibang paraan ng paggunaw ng mundo. May mga binabalikan ang nakasulat sa Book of Revelations ng Bibliya (End of Days), may mga patungkol sa natural na kalamidad (Armageddon), o kaya nama’y pagkalat ng nakamamatay na sakit (Contagion).

Sa mga pelikulang ito, makikitang nagtatagumpay ang ilang bahagi ng sangkatauhan dulot ng pagkakaisa at pagtutulungan—isang mensaheng nagsasabi na maging ang banta ng pagtatapos ng mundo ay kayang igpawan ng tao. Ngunit kung susuriin, ang mga tagumpay na ito ay hindi posibleng maganap kung hindi dahil sa isang catalyst na nangunguna at nagsisilbing bayani—ang Estados Unidos at ang mga institusyon nito.

Hindi lamang pelikula kundi maging mga palabas sa telebisyon kagaya ng Dexter, na patungkol na rin sa pagtatapos ang mundo ang tinatalakay ng kasalukuyang season. At kahit ang panitikan, pinapaksa rin ang nakaambang katapusan. Halimbawa na lamang ang binubuong antolohiya sa kasalukuyan na Thursday Never Looking Back na maglalaman ng mga akdang maglalarawan sa maaaring huling eksena ng daigdig. Bagaman paglaho’t kawalan ang paksa, may tanaw pa rin sa bahagi ng iba’t ibang larangan ng sining na hulmahin ang imahinasyon at bigyang-hugis ang mga walang anyo’t hindi pa umiiral.

Nahuhumaling kasi talaga ang mga tao sa konsepto ng katapusan ng mundo, ayon sa propesor ng sociology na si Margaret Gonsoulin. At aniya, bunga ito ng ligalig ng tao na mahanap ang kahulugan ng kanyang buhay sa panahong nahihirapan siya.

Sa kasalukuyan, hinaharap ng mundo ang hindi lamang mga kathang-isip na trahedya. Sa paglala ng problema sa kalikasan, nananatiling hindi handa ang mga tao sa pagharap sa mga kalamidad. Ang Pilipinas, halimbawa, ay madalas na hindi sapat ang paghahanda sa delubyo bagaman madalas itong dinadaanan ng mga bagyo. Umiigting din ang problema sa ekonomiya hindi lamang sa bansa at patunay dito ang kabi-kabilang malawakang protesta sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ngunit sa halip na hanapan ng solusyon ang mga konkreto’t tiyak na problema, nauuwi ang mga tao sa mga hindi tiyak na paniniwala na higit pang pinaiigting ng popular na kultura. Sa huli, hindi tunay na sinasalamin ng mga produktong ito ng media ang sentimyento ng mga tao. Inililihis lamang ng mga ito ang marahas ng konsepto ng katapusan sa mga positibong ideya ng pagtatagumpay at pagdiriwang na siyang nagsisilbing panandaliang takas sa nananatiling malupit na kondisyon ng pamumuhay.

Wala namang nakatitiyak kung kailan magwawakas ang lahat. Maaaring magunaw ang mundo bukas, sa makalawa o sa ika-21 ng Disyembre. Ngunit hindi gaya ng mga nakaraang hula, may mga likas na balakid at problema sa pamumuhay ng tao na hindi lilipas at basta-bastang makalilimutan.●

Short URL: http://www.philippinecollegian.org/?p=3405

Posted by on Jan 12 2012. Filed under Featured Story, Lathalain / Kultura. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Recently Commented

  • carlo zapanta: can you update me for the case of the student named hina who has been stabbed by danmar vicencio last...
  • Nino jesus Garcia: Is really for real.
  • Benzayb: Lindotay man imong kolum ate. Padayon lang sa pagsulat kay sa pagsulat, naa kay mapadasig na tao na...
  • sacia cerenado: Good
  • Mernilyn Lamadora: Congratulations! We are very proud of you as JCMPHS alumnus. Napakahusay mo!