|

Pugad Baboy*

(Unang nalimbag ang akdang ito sa isyu 10-11 ng Philippine Collegian noong 6 Setyembre 2013.)

ni Keithley Difuntorum

Mga litrato nina Airnel Abarra, Keithley Difuntorum at Angerica Hainto

Sampung inahing baboy ang alaga ni Tatay Juan,

ang isa’y pinulutan ni Lolo Ponce at ang natira ay siyam.

 

Siyam na inahing baboy ang nag-aaral magbasa

Naiwan sa mansyon ni Aling Janet ang isa at walo na lang ang natira

 

Walong inahing baboy ang naglaro ng piko,

Kay Ate Jeane ang isa ay nakipaglaro at pito lang ang nakatakbo.

 

Pitong inahing baboy ang kumain ng pananim,

Sa palayan ni Pareng Bong ang isa ay giniling at ang natira’y anim

 

Anim na inahing baboy ang gumawa ng bahay na nipa

Sa gitna ng gabi, ang isa ay kinatay ni Kuya Ferdie, at ang natira’y lima

 

Limang inahing baboy ang nangisda sa may sapa

Nabingwit ni Kapitan Jinggoy ang isa, ang apat ay nakalangoy pa

 

Apat na inahing baboy ang naghahanap ng pagamutan

Nabitag ni Tito Gregorio ang isa at tatlo lang ang nakawala

 

Tatlong inahing baboy ang nagprotesta sa Luneta

Nairita ang asong si Mar, kinain ang isa at dalawa ang natira

 

Dalawang inahing baboy ang naglakad papuntang Mendiola

Natakot si Kuya Noy, dinakip ang isa, at isa lang ang itinira

 

Isang inahing baboy kay Tatay Juan ay natira

Siyam na inahing baboy, isa-isang kinawawa ng mga ganid at mapagsamantala

Si Tatay Juan ay tumalima, sampu ng kanyang mga kasama

Lilinisin ang pugad ng kababuyan bago ang huling inahin ay mawala pa

*pasintabi kay Pol Medina

Short URL: http://www.philippinecollegian.org/?p=8844

Posted by on Sep 13 2013. Filed under Featured Story, Litrato. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Recently Commented

  • Alexander Absalon: In this time when truth is besieged with lies and malice, Philippine Collegian comes in handy and...
  • Andrew: Good day Sir/Madame: Can I ask anyone here for a contact details of UPM-SHS-ECSC. Thank you & God bless
  • carlo zapanta: can you update me for the case of the student named hina who has been stabbed by danmar vicencio last...
  • Nino jesus Garcia: Is really for real.
  • Benzayb: Lindotay man imong kolum ate. Padayon lang sa pagsulat kay sa pagsulat, naa kay mapadasig na tao na...