|

New year’s resolution sa Kulê

LAKBAY DIWA

■ Eula Cabiling

Mahigit anim na buwan na rin pala ang nagdaan simula nang umakyat ako sa Vinzons 401, dala ang dalawang bluebook at bolpen, upang mag-apply bilang kolumnista ng Kulê sa bolyum na ito. Medyo out of the blue nga ang desisyon kong ‘yun, parang adlib sa script ng pelikula—malay ko bang matatanggap ako’t magkakaroon ng sariling espasyo sa lingguhang (ahem) pahayagan ng UP.

Taliwas sa dibuho ng aking mukha sa pahinang ito, malimit akong ngumiti lalo na sa mga panahong napakabigat ng bagaheng dala ko—loans, homesickness, tambak na acads at iba pang self-centered na rason. Tinanggap pa naman ako dahil sa pagiging chummy raw at mukhang friendly dahil sa bilugan kong mukha, at sa pagsasabing ‘di ko iiwanan ang Kulê sa ere at ‘di paghihintayin ang aking editor sa drafts. ‘Yung kolum ko sana ang isa sa mga breathing space sa dyaryo mula sa napakaraming kabulastugan na nagaganap sa bansa.

Malas nga lang at ‘di ko napanindigan iyon—may mga panahong matumal ang pagbibigay ng dedikasyon ko sa Kulê, na marahil ay naramdaman din ng kapwa ko myembro.

Crammed din ang karamihan sa aking isinulat na kolum (isa ito sa mga ‘yun pasensya), kung kaya’t mas madalas na nakakasama ko ang mga myembro ng edboard sa kasagsagan ng pagsasara ng dyaryo. Madalas ko ring nababakas sa mukha nila ang pagkabigo kapag ‘di nasusunod ang natakdang deadline ng labas ng dyaryo.

Sa kabila nito, hanga ako sa dedikasyon at oras na ibinubuhos ng bawat isa para makabuno ng isang isyu para sa mga estudyante. At dahil din dito, nais kong ilaan ang parte ng kolum na ito sa maikling listahan ng aking new year’s resolution (na sana pati gawin ng ibang pasaway na myembro sa Kulê hehe) sa taong ito:

  1. Hindi na magiging pasaway. Susunod na sa deadline at hindi na magpapabigat sa pagoda. (Sasampalin ang sarili ng 10 beses kada oras nang ‘di pagsunod sa tinakdang deadline.)
  2. Mamahalin ang Kulê gaya ng pagmamahal sa sarili. Dadalo sa general meetings at mga kaganapan na dapat daluhan. (Pipingutin ang sarili ng 20 beses kada missed meetings.)
  3. Maglalaan ng sapat na oras para sa legwork at pagbabasa ng mga artikulo. (Walang pagkain tuwing general meeting kapag hindi maayos ang ipinasang artikulo.)

Sabi nga nila: new year, new beginnings at it’s better late than never (bukod sa pasahan ng drafts). Sa ilang linggong bakasyon mula sa klase, napagmuni-munihan ko ang kahalagahan ng pagsali sa Kulê—bakit ako nanatili sa kabila ng mga personal kong problema gaya ng ibang mga miyembro na hindi rin lumisan. Umakyat dito sa Vinzons at alamin ang rason. 😉

Tatapusin ko na lamang siguro ang kolum ko gamit ang mga salitang ito: writers of Kulê, unite! We have nothing to lose but our laziness and procrastination tendencies!





Short URL: http://www.philippinecollegian.org/?p=11617

Posted by on Jan 30 2017. Filed under Kolum, Opinyon, TATAK KULÊ. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Recently Commented

  • Jomar B. Villanueva: Magaling. (Hindi ako naluluha, hindi.)
  • Alexander Absalon: In this time when truth is besieged with lies and malice, Philippine Collegian comes in handy and...
  • Andrew: Good day Sir/Madame: Can I ask anyone here for a contact details of UPM-SHS-ECSC. Thank you & God bless
  • carlo zapanta: can you update me for the case of the student named hina who has been stabbed by danmar vicencio last...
  • Nino jesus Garcia: Is really for real.