Paano ka ba magiging akin?
(Unang nalimbag ang akdang ito sa isyu 16 ng Philippine Collegian noong 15 Nobyembre 2011.)
ni Ninalyn Uy
Isa lang naman ang pamantayan ko sa paghahanap ng karelasyon: ikaw.
Pero siyempre bola lang ‘yun. Gusto ko lang kunin ang atensyon mo, dahil hindi ko alam kung magkikita pa tayo ngayong semestre. Nababaliw na nga ako sa kaiisip kung ano ang kahahantungan ng “love story” natin.
Malas mo dahil mahilig akong magbasa ng Tagalog pocket books at manood ng mga Asianovela. Mula sa mga tauhang sinubaybayan ko, alam kong kapag nakuha ng isang babaeng hindi nagsusuklay at hindi naliligo pero kaiba at mukhang madiskarte ang atensyon ng isang lalaki, posibleng maging sila.
Kung bakit mo ba kasi pinipitik ang mga daliri mo sa harap ng mukha ko sa tuwing nagkakasalubong tayo. Lagi mo pa akong kinakalabit, at kahit na sitahin pa kita ng pinakamalulutong na mura, ngumingiti ka lang at tahimik na tumatawa. Tapos bigla kang magsisimula ng mga usapang may kinalaman sa akin—kung saan ako nag-hayskul, ano ang binabasa kong libro, kung masaya ba ako.
Buwisit na buwisit ako sa klase natin last sem, pero isa ka sa mga dahilan kung bakit hindi ako nag-drop. Kahit na naririnig kitang tumatawa mag-isa sa tuwing napapahiya ako sa recitation, at kahit panay ang turo mo sa akin tuwing nagtatawag si Prof ng volunteer, okay lang sa’kin.
Kasalanan mo kung bakit bigla kong pinag-isipan nang mabuti kung ano ang ilalagay kong profile picture sa Facebook. Kasalanan mo kung bakit napadalaw ako sa ukay-ukay nang mag-isa para lang, oo, mag-shopping. Nabasa ko kasi ang payong ito sa Internet: If someone’s flirting with you, please cooperate. Oo, walang biro. Pati mga payo sa internet, pinatulan ko na.
Hinanap rin kita sa Internet, akala mo. Nagbasa ako ng mga blog entry kung saan binabanggit ang pangalan mo; inalam ko kung sinu-sino ang common friends natin na posibleng magpalalim sa kung ano mang meron tayo. Pinagtanong kita sa mga kaibigan mo at lahat sila, nagkakasundong mabait ka nga.
Urong-sulong ka rin kasi. Hindi ka masyado assertive sa pakay mo sa’kin, kung mayroon man. Sa dami ng mga pagkakataong nag-usap tayo, hindi mo hiningi ang number ko kahit kailan. Hindi naman ako madamot sa “oo.” Hinihintay ko lang na gumawa ka ng first move. Nang tinawag mo ako noong huling araw ng klase natin para sabay tayong maglakad, nag-usap lang tayo’t naghiwalay na parang talent ni Kim Chiu sa pag-arte: wala lang.
Siguro nga wala naman talaga ako sa‘yo bukod sa isang kaklase. O marahil naghahanap ka lang ng Ate. Siguro kapag nagkita tayo ulit, tatango ka lang at bahagyang ngingiti pero hindi ka lalapit para makipag-usap. Kaiba ka rin kasi. Hindi ko rin alam kung bakit pero sa‘yo lang talaga ako natutuyuan ng laway at napapangungunahan ng duda at kaba. Siguro kasi sa lahat ng nagustuhan kong lalaki, ikaw lang ang hindi celebrity.
Sakaling makilala mo ang sarili mo sa akdang ito, alam mo naman kung saan ako maaaring puntahan o kausapin. At huwag kang mag-alala—hindi pa rin ako madamot sa “oo.” Aanhin ko naman ‘yun. ●
Short URL: http://www.philippinecollegian.org/?p=2786
Ang galing ng pagkakasulat. Sobrang nakakarelate ako. Hoho.
Ang ganda ng pagkatagpi-tagpi ng mga salita at ideya!
ang ganda ng story
nyahahaha. i-text mo kaya, palagi. haha
swabe.
sana magkaklase ulit kayo.
Galing!
If someone’s flirting with you, please cooperate.
-ngayon ko lang nalaman ‘to. wahaha.
oo nga sana magka-klase ulit kayo!
naku, binasa na to nung kaklase kong may gusto kay kapuge.
cute…..
simply perfect.
I love “On Seeing the 100% Perfect Girl…” by Haruki Murakami. But this is something I definitely could more easily relate to, being a UP student.
Hahaha, Astig.
Sobrang relatable! Although sana may ganyan din akong interaction sa nagustuhan kong kaklase. More admiration from afar ang drama ko eh. Kairita.
If someone’s flirting with you, please cooperate.
- kung nag cooperate ako malamang magka away na kami ng tropa ko. =P
sexy pa naman nung ex niya. hahaha
oh shoot..it kinda happened to me but 2 semesters ago. I sort of flirted w/ a girl friend(yes, with space). i got scared about the possible outcome so i backed out..what kind of balls have i got? You know more girls are bolder now than some guys. You should have taken his number instead. Anyway, you’ve written an article about it with your bold name on it so what can I say. Aren’t you COOL for that?! Let us know about the next chapter if he doesn’t chicken out!
ninalyn,alam kong ako yung lalaking yon.pwede bang mahingi number mo?
omgness, totoo bang ikaw yung inilalarawan ng babaeng ito. Kung ganun, sugod na. Alam mo naman daw kung saan sya maaring puntahan. Hwag mag-aksaya ng panahon para lumigaya. Yey! (di ako bugaw no?)
[a guy's perspective] Nagets ko din toh. Flirting is good so please cooperate. But sana wag masyadong umasa. Minsan kasi parang testing lang. Syempre kahit naman sino takot masaktan diba? Mahirap na kung mapasubo ka. So minsan sasample ka lang para naman maassess mo kung anu gusto mangyari: love team ba o barkada lang. Diba minsan mas mabuti na lang na ganito, konting paasa pero hindi seryoso, kesa naman sa complete heartbreak.
Sa tingin ko tama si Ian kc dati nangyari skn yan. Sa katunayn nga may notebook ako ng mga tula pra sa kanya tpos dumating ung point na prang papansin sya. D ko natantya eh. Eto tuloy ako ngaun. Luhaan, wlng magawa kundi tangapn, umasa kc sa simpleng sayaw lng, pag bibigay ng bbq, at hug during free hug day..o db? Guys, wag din kc kau pumara ng jip kung d kau sasakay. I mean, wag nyo maxado iattach sarili nyo sa women kung gusto nyo lng nmn ng attention pero hnd kc love nyo xa. I have nothing againts men pero be sensitive din minsan. Women wag dn tau mxdo ganun ka open sa guys kc binibgyan natin cla ng opportunity para saktan tau. Kaya in my opinion agree ako tlga kay Ian. Wag mag expect maxado kc d rin lht ng nangyayari sa mga pocket book ahmm..naaapply sa real life. Pinaka masakit kc ung nagexpect ka tapos d nangyari.
Nice!! A good article indeed!! Galing ahh!!
relate ako
HAHA.
Ganda ng article. .n_n.
Nakakarelate ako. :S hindi pala ako nagiisa sa daigdig na ito.
haha. shocks nakakarelate ako <3
and, flirting can make you feel good about yourselves
Ikaw na magdamuvs teh! ahaha
)
ang galing naman ng pagakkasulat
[Sagot kay Ian. ^] Edi sana hindi na lang pinaasa in the first place.
hay naku. sobrang love ko to. as in yung second paragraph, sobrang ako. hirap kasi kung hindi ka sigurado kung gusto ka talaga ng tao o naghahanap lang ng ate figure slash nasa brozone lang. haaaaaaaaay buhay.
This is sooooo cheesy indeed! Very “grounded” ang istilo ng pagkakasulat. Madaling maka-relate. I share the same sentiment for someone, albeit, we differ in context dahil di ko naman sya classmate….Haay! Parang gusto ko na ring magsulat ng sarili kong istorya….hehe…Kudos to you Ninalyn & I wish you luck in your “flirting” efforts with him. Sana nga “maangkin” mo na rin sya balang araw….GO girl!
“If someone’s flirting with you, please cooperate.”
Ayokong sundin yan. unless sigurado ako sa intensyon niya.
ang mga boys naman kasi chorpe. sa TUPDKK may thread na “The One That Got Away” sana kung sino man ang lalakeng ito pag gusto mo siya,go ka na agad para hindi the one that got away ang drama in the near future. Mahirap yun. You’d keep on wondering buong buhay mo.
May nagsabi sa akin na guy. Ang payo nya sa akin, you can get a guy through flirting but never expect him to see you as the mother of his children. Eventually, may ibang mga kilala na akong nagpatunay nyan..the decision is yours. Kung saan ka magiging masaya go kc mahirap mabuhay kung may mga bagay na pwede mung magawa pla tpos d mu ginawa
Kung may gusto ang lalaki sa iyo, gagawa siya ng paraan para makuha ka niya’t mapasagot ng oo.
Isang napakagandang babasahin. Marahil marami sa atin maaaring maka-relate dito.
Magaling ang pagkakasulat. Pero urong-sulong pa rin ang dating. Kung ako ang lalake, hindi pa rin ako makakasiguro na seryosong may gusto sakin ang may-akda o kung gusto nya lang ako kasi nagpapansin ako sa kanya. Pero siguro gagawa pa rin ako ng paraan.
Tama si Kim. Sabi nga ng isa kong kaibigan nung nagtanong ako sa kanya tungkol sa mga lalake, ang tunay daw na lalake, talagang gagawa ng paraan para mapansin ka niya at maging kayo. Pero kung di rin naman talaga malalim ang nararamdaman niya, okay lang na pakawalan ka niya.
Okay, naka-relate ako ng bonggang bongga! Hahaha
haha, parang nangyari na sakin dateh… natawa tuloy ako… Torpe days… haha
http://spotlightphilippines.blogspot.com/2011/11/tugon-sana-akin-ka-na-lang.html
-may pagsagot talaga? hehehe noice!
ate, hindi ba ikaw si bob ong? hehe.
Ang galing aba. Nung nabasa ko to, naalala ko yung bestfriend ko. HAHAHAHAHA.
fictional lang naman siguro to saka ung
http://spotlightphilippines.blogspot.com/2011/11/tugon-sana-akin-ka-na-lang.html
baka isa lang ang gumawa.. hehe!
pero like ko yung comment mo ANANIMUS..Haha!
nice one
Thank you sa pag-share ng experience mo Ninalyn. Natanggal ang stress namin ng mga friends ko sa pagbabasa ng article mo. Sana ay patuloy mo pang mapatawa at mapasaya ang marami pang mga tao.
super galing! Ang cute rin ng dating. Swabe lng ang pagkakagawa… Sana mas marami pang artikulo na kagaya nito ang ilabas ng Kule!
maraming salamat at may kagaya rin ako
napakaganda ng pag-express mo para lang maipahiwatig mo ang pagkagusto mo sa isang tao. Sana nga isang araw mapasatin din ang mga gusto natin, nakakatakot kasi ang katotohanan na baka di ka nila gusto dba?
well salamat talaga sa pa-share. Lalo kong naintindihan sarili ko.
Haaay college love life! Ang ganda ng istorya. Sana magka-lakas loob na ang lalaki na ligawan ka. Minsan kelangan lang kse ng lalaki ng konting ‘push’ para ma-encourage sila.
sobrang ganda! ang galing ng pagkakasulat, kwela, sarcastic, but very emotional. ito ang mga sinasabi ng mga taong hindi nakakapag-express ng feelings. GOOD JOB! when you write from the heart, laging maganda ang lalabas. patuloy mo lang and wag ka mawalan ng pag-asa. i’m sure kung hindi man siya, darating din si The One.
Grabe!!! Super nakakarelate ako. Especially the “ate” part. Ganun rin kasi ang tingin sakin nung taong nagustuhan ko eh. Sa nagsulat nito, ang galing mo. Two thumbs up!!!
Hindi naman ako madamot sa “oo.” Hinihintay ko lang na gumawa ka ng first move.
–Yun yun eh.
Nakakatuwa namang basahin yung article, kahit paulit ulit pa. :”> <3
awtz. nice2x:)
like!
Related din sa akin ito pero situation ko iyong sa guy. Iyong guy kasi, kampante lang siguro dahil lagi ka andyan. Yet, parang sumasang-ayon ka lagi sa kanya. Or kabaligtaran nito kasi namumura mo siya ng malulutong kaya napanghihinaan siya ng loob. Hindi naman kasi pwedeng na-turned off siya sa ‘yo, e niyaya ka pa nga niya maglakad nang sabay sa huli. Or maybe, mabait siya talaga kaya okay lang sa kanya. Or may gusto siya sa ‘yo pero naisip niya na hindi pa ikaw ang karapat dapat. Pero kung magde-decide siya na ikaw na talaga at wala ka nang katulad na mahahanap niya, tanggap niya kahit ‘yong bad side mo.
So I’m sure, mahal ka niya. Kasi kung gusto lang, turned off at bad trip na siya sa ‘yo.:) Ganyan din ako, okay lang sa akin kahit napagsasalitaan niya ako ng masakit kasi hindi ko maramdaman iyon dahil masaya ako pag kasama ko siya lalo na kapag napapansin niya ako at kinakausap. Ganoon ako KAKUNTENTO dahil mahal na mahal ko siya. Kung baga blessing na nakilala ko siya o dumating siya sa buhay ko dahil wala na kong mahahanap na katulad niya… kung baga umaabot na sa puntong hindi ako makapaniwala na nag-e-exist sa mundo ang tulad niya, kakaibang creationn ni God. At masuwerte ako, nakilala ko siya.
Masasabi ko rin na, he can love you unselfishly. And he can wait for the right time….. And since you are the girl, you should wait for him…. Mahal ka niya…
“Try subtle, unnecessary touches. Let your hand touch his, you can let it “accidentally” touch. If he moves it out of the way quickly, then he may not be interested- watch his facial expression. On the other hand, if he slowly moves it, or doesn’t withdraw at all, then he may be interested.”
Kahit na mababaw ang topic, complex pa rin ang atake sa pagsulat. Super relatable. Nakakaloka.
ang sarap basahin ng paulit paulit nakaka relate
Panalo!
galeng!